Nakakatuwang isipin na marami pang mga sari-sari store ang nagbebeta ng Fita.
Hindi ito katulad ng mga ilang crackers noong kabataan ko. Ang hirap nilang mahanap ngayon.
At kung gusto ninyong banggitin ko pa sila. Sige. Nasaan na ngayon yung mga kinakain ko dating Sunflower Crackers? Sobrang astig ng crackers na ito. Hindi ko mabilang kung ilan lahat ng pwedeng matikmang flavors nito. May strawberry, mango, blueberry at akalain ninyo, meron pang chicken flavor. Astig noh?
Bukod dito, nasaan na iyong paborito kong papakin dati na Honey Munch? Na paborito ko lamang dahil binudburan ito ng sobrang daming asukal?
At kung alam ninyo iyong Magic Flakes. Aba eh nahihirapan na rin akong makahanap nun. Sinasapawan na kasi siguro ito ng mga mas sikat na crackers na tulad ng Skyflakes at Rebisco Crackers.
Di ko na natitikman iyong mga nasa itaas. Parang iyong Fita na lang ang natitirang pagkain na nakakain ko na galing pa sa kabataan ko.
Basta ang alam ko, kung pupunta akong tindahan, may nakikita akong panindang Fita.
Noong bata ako, hindi ako mahilig sa Fita. Ayoko kasi dati sa mga crackers na plain. Gusto ko lang talaga iyong may palaman.
Pero syempre kung Fita lamang ang meron sa bahay, nagagawan ko iyan ng paraan.
Andyan ang kaibigan kong Cheez Whiz!
Mayroon din namang gatas.
At kung sobrang sosyal ka, pwede rin namang ganito:
Bata pa lamang ako noon.
Isang dekada ang nakalipas, napagnilay-nilayan kong sobrang OA ko pala dati.
Masarap ang Fita. Malinamnam. Parang Gardenia, masarap kahit walang palaman.
Kung nagtataka kayo kung bakit marami paring stock ng Fita, e baka siguro malupit lamang talaga ang adverising sa mga produkto nila.
Wala nga naman kasi akong matandaan dati na malupit na patalastas ng Sunflower at Honey Munch. Iyong sa Magic Flakes meron pero iyong kay John Lloyd lang.
Iyong sa Fita talaga ang may patalastas na sigurado akong tumatak sa ulo ng karamihan ng Pilipino noon.
Kung batang 90's kayo, sigurado akong naaalala pa ninyo itong malupit na commercial na ito:
Malamang ninanais ng "commercial" na ito na magpatawa.
Oo naman.
Alala kong tawang tawa ako noong una kong mapanood ito. Lagi nga naming ni-rereenact ito ng mga kaklase ko dati eh.
Sobrang sarap nga naman kasi ng Fita, na kahit isang piraso lamang nito ay mahirap ipamigay. Kailangan pa kasing hatiin eh ano?
Pero bakit ganitong klaseng komersyal ang ginamit ng Fita?
Bakit alam nilang makapagpapatawa ito sa mga Pilipino?
Maaaring may nais ipahiwatig ang komersyal na ito patungkol sa ugali ng mga Pilipino noon, kasali na dito ang paraan nila ng pakikibagay sa kapwa nilang mga Pilipino.
LOLA BILANG PULUBI
*Una sa lahat, mapapansin natin ang paggamit ng isang lola bilang pulubi sa komersyal. Mula dito, maaaring mahinuha na karamihan ng mga mahihirap na Pilipino noon ay mga matatanda.
Hindi lang mahirap sa aspetong pinansiyal.
Ayon sa isang artikulo na pinamagatang "Concerns of the Elderly in the Philippines" na isinulat ni Clarita Carlos, "ang patuloy na paglaki ng bilang ng mga matatanda ay nangangahulugan din ng paglawak ng mga kaakibat na isyu na dapat matugunan."
Ang pagkakaroon ng maraming problema na kailangang tugunan ng mga matatanda sa Pilipinas ay nagpapakita na nangangailangan nga sila ng tulong mula sa iba pang miyembro ng komunidad, lalong lalo na ang kanilang mga kamag-anak dahil sa edad nila ay mahirap nilang tugunan ang mga problemang ito nang mag-isa sila.
Ilan sa mga isyung binanggit ni Carlos ay ang sekuridad, pang-aabuso, kalusugan at mga iba pang epekto ng pagtanda.
Mababasa ang buong artikulo ni Clarita Carlos dito:
http://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/article/viewFile/1279/1616
SI LOLA NAGING ENKANTADA!
*Makikita rin natin na biglang naging enkantada ang lola pagkabigay ng lalaki ng Fita sa lola. Maaaring ipinapahiwatig nito ang patuloy na paniniwala ng mga Pilipino sa ating sariling mito.
At marami nga talagang Pilipino ang naniniwala pa rin sa mga ito kahit mukhang likhang isip lamang ang mga ito. Katulad ng mga Pilipinong ito sa Laguna na nagsasabing may gumagalang aswang daw sa lugar nila:
SPORTS CAR KAPALIT NG BISCUIT?! ANO KA SWINESWERTE?!
*Higit sa lahat, nagpapahiwatig ng pagiging materyalistiko ng mga Pilipino noong panahong iyon, pati na sa ngayon, ang paghihingi ng lalaki ng isang sports car. Ang paghingi ng lalaki ng isang materyal na bagay, sa halip ng kaligtasan o kalusugan ng kanyang mga kamag-anak ang nagpapalakas sa hinuhang ito.
Sa patuloy ngang pag-usbong ng kahirapan sa Pilipinas kasama ng patuloy na progreso ng teknolohiya ay nagkakaroon na ng kamalayan ang mga Pilipino na kailangan nila ang mga produkto ng teknolohiya.
Masasalamin nga sa teksto ng imahe sa taas na nagsasabing "Okay so you're 10 years old, and you have a laptop, iPod, Facebook, and a Blackberry...Dude when I was 10, I had Pokemon cards" ang kalagayan ng kasalukuyang lipunan. Bagama't materyalistikong bagay rin ang mga Pokemon Cards, natural lamang para sa kabataan ang maengganyo sa mga ganitong laruan. Subalit nakakapagpapabagabag na malaman na ang kabataan ngayon ay nagsisimula nang magkaroon ng sari-sarili nilang mga laptop at cellphone. Samantalang ako, nagkaroon lamang ako ng cellphone noong 14 years old ako at ng laptop noong nakaraang taon lamang. Makikitang mas lumala ang kaso ng pagpapahalagang materyal ng mga Pilipino ngayon kumpara noon.
Kaya kung darating ang araw na nakaupo ako sa parke habang kumakain ng Fita. At may dumating na isang matanda at humingi ng Fita ko. Syempre bibigyan ko.
At kung naging enkantada siya at binigyan niya ako ng isang kahilingan, ihihiling ko na lamang na sana mabawasan ng mga tao ang masyadong pag-asa sa teknolohiya upang hindi tayo lagi mukhang zombies na kontrolado ng mga laptop at cellphone natin. Higit pa rito, mabibigyan din natin lagi ng oras ang ating mga kamag-anak at mga kaibigan. Pareho lamang nakapagpapasaya ang mga laptop at ang mga kaibigan. Subalit may bagay na ibinibigay ang nahuli na hindi kayang ibigay ng nauna. Ang bagay na iyon ay PAGMAMAHAL.